Hi I’m CJ Catig, member of MFC Singles and a Mission Volunteer for LCSC LiveLife. Let me share kung pano nagpakatotoo at patuloy na nagpapakatotoo ang Diyos sa buhay ko.
I grew up in Tondo, Manila. Masaya na magulo sa Tondo. Masaya kase madaming tao at batang makakalaro sa daan. Magulo kasi palaging may away at kung anu-ano ang makikita mo sa daan. We are an average family. Hindi mayaman and ‘di ko rin masabing mahirap. Sapat lang lahat. Pinalaki din naman kami na may takot sa Diyos and every week nagsisimba bilang isang pamilya. But sa kagustuhan ng parents ko na malipat kami sa environment na meron doon and magkaroon ng sariling bahay, lumipat kami sa Cavite and doon na ako nag high school.
During highschool, I felt so curious with all the things that the world says na masaya at astig. I was longing for acceptance and happiness. Kaya ganun nalang ako kadali na-fall sa lahat ng sinasabi ng mundo. From cutting classes hanggang sa hindi na ako pumapasok, diretso sa bahay ng barkada; from 1 shot ng alak hanggang sa naging isang bote, isang case; from 1 stick ng yosi hanggang sa isang pack. Until I tried different kinds of drugs and fell into lustful relationships. Hindi alam ng magulang at pamilya ko kung ano ang nangyayari sa buhay ko that time. Pero noong mga moments na ‘yun akala ko masaya ako. Akala ko astig ako kasi yun yung sabi ng mundo, kasi andun yung mga kaibigan ko. Eto yung napapanood ko sa TV. Eto yung nakikita ko sa social media at internet. Pero I was still longing for something more.
My mom noticed the changes in me. Bumababa grades ko and palagi akong sumasagot sa kanya. Nilalayo ko yung sarili ko sa pamilya ko. One day sabi nya “ [A]nak, may camp yung mga youth. Baka gusto mo sumama?” Ako naman dahil adventurous at gusto ko i-try,“Uy! Camping! Sige sama ako,” not knowing it was a Catholic Youth Camp.
I packed my things and pagdating doon napaka-hospitable at napakasaya ng mga tao. Akala ko mag-eenjoy talaga ako. As the sessions started and narinig ko yung mga talk, naramdaman ko na gusto ko’ng umalis kasi naisip ko, hindi ako ‘to. Ayaw ko pakinggan yung mga nagsasalita sa harap kasi hindi naman yun yung camp n hanap ko. Pero andun na ko so naisip ko, tiisin ko nalang .
I never thought na unti-unti na palang bumubukas yung puso ko para tanggapin yung pagmamahal ng Diyos. As the session went on, I caught myself thinking, “Grabe yung ginagawa ko sa buhay ko.” Ang bata-bata ko pa para babuyin yung katawan ko. I realized na yung happiness at acceptance na hinahanap ko ay araw-araw ko lang pala nakikita at nakakasama. Hanggang sa iyak na ako ng iyak. Nararamdaman kong niyayakap ako ng Diyos sa pagkakataon na yun. Sinasabi ko lang sa Diyos “Lord, Sorry… Patawarin Mo ako.“ Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko ito. Pero ramdam ko yung awa at pagmamahal Niya. I confessed all my sins sa pari and the priest said, “Masmahal ka ng Diyos kesa sa kasalanan mo. Totoo ang Diyos! Totoo ang pagmamahal na meron Siya.” From that day on, sinabi ko sa sarili ko at sa Diyos, “Eto yung true happiness and acceptance na hinahanap ko.” Sa Diyos ko pala makikita lahat ng hinahanap ko sa mundo na ‘to. Ang sarap-sarap mabuhay.
Bumalik yung closeness ng family ko, naging honor student ako. Pinilit kong magbago kahit na napapansin kong lumalayo na sakin yung iba kong kaibigan. Mahirap magbago pero sa awa at pagmamahal ng Diyos hindi ito naging imposible. Nag-serve ako. Binigay ko yung oras at lakas ko nang mabalik ko at mashare ko yung pagmamahal na nararamdaman ko.
Pero minsan yung faith mo itetest ka pa rin talaga. Dumating yung time na kailangan ko magstop sa college because of financial problems. Sabi ko sa Diyos, “Lord nagbago naman ako. Bakit tinatanggal mo sakin yung mga pangarap ko? You know my desires. You know my needs.” Napakababaw pa ng pananampalataya ko to question Him. But I chose to continue to serve Him. May plano Siya at may pangako sya. Nag-apply at nag-exam ako for scholarships. Nagdadasal na sana makapasa at makatulong sa pamilya. And I did, sa awa at grasya Niya? I was granted a full scholarship, accommodations and pagkain for all my terms in college! Napaluha ako at sising-sisi nanaman sa mga nasabi ko sa DIyos! Who am I to question God? Human as I am basta-basta ako nagpapadala sa nararamdaman ko at kagustuhan ko, not thinking kung ano ba yung kagustuhan ng Diyos para sakin. Meron palang mas magandang plano ang Diyos. Ever since then, I trust Him more and hindi na muling mangangamba sa kung ano mang darating na problema. Dahil alam ko kasama ko ang Diyos. May magandang plano ang Diyos sa buhay ko. Ang sarap-sarap mabuhay kapiling Siya. Walang-wala yung sinasabi ng mundo sa sinasabi ng Diyos.
Now I am a Licensed Marine Engineer and working onboard a ship. At patuloy na nasasaktan, pero mas pinipiling magmahal at kumapit sa pangako ng Diyos. Dahil sa Diyos walang imposible! This life we have is worth living – to share God’s love with one another hindi lang para sa mundo na to, pero para makasama natin ang Diyos sa langit. I pray that whatever shortcomings you may have, you will try to look to Jesus, focus on Him and cling to His promise.